Saturday, August 4, 2007

it's been a year...

bakit ba kay hirap ng buhay... cno ba ang dapat sisihin? si Adan ba at Eba? sa pagkain ng pinagbabawal na prutas, o sa ahas na umudyok kay Ebang kainin ito? O di kaya nama'y sadya talagang tinadhana na lang tayong mga taong mag kasala. Kahit pa mang hindi ang unang dalawang tao ang kumain sa pinagbabawal na prutas, mamari ring magagawa to ng ibang tao at sa huli ay babagsak rin tau sa ating kinatatauan ngayon - ang maging makasalanan.... (wow! so lalim! my gosh! hahaha) :)

hahaha.. wala lng naisip ko lng bigla ito...

anyway, in relation to this matter (na talagang pinilit? haha joke) bakit nga ba ang hirap ng buhay? bakit me mga mahihirap at me mayayaman?... Pag dating sa pag-ibig, bakit minsan ay kailangan pa tayong mahirapan, MASAKTAN ng todo todo...kesyo namatayan ng minamahal, malaman na ang mahal mo ay hindi ikaw ang mahal at may mahal na iba, malaman na lamang isang araw na puro kalokohan lamang ang relsyon nyo, at kung ano2x pang kamalasang posibleng mang yari sa larangan ng pag-ibig!..hahaay... bakit nga pa ganito? bakit hindi nalamang padaliin ito, posible ba?... dalawang bese na akong umibig at dalawang beses na rin akong nasaktan ng todo... gggrrrrrrrrr..... ayoko na... sa ngayon, nilulubos ko nalang ang huli kong taon sa kolehiyo... ilang buwan na lamang...ggraduate na ako at aalis na ako dito, at maaring aalis na ako sa bansa... hahaay...i hate leaving...

gasgas na ang kasabihang, "there is still someone out there perfect/ right for you." Kung totoo nga ba talaga ito, e bakit pa kelangan nating makilala ang mga taong natutunan na nating mahalin ngunit sa bandang huli, hindi rin pla maari. sayang lamang sa panahon, emosyon, at lahat2x na!.... ang masakit pa e, kahit ulti mong pag kakaibigan na lamang ay hindi na naibabalik gaya ng dati. Exaktong isang taon at dalawang linggo na kaming hindi nagkikita...

No comments: